-- Advertisements --

Inaasahang tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes.

Batay sa apat na araw na Mean of Platts Singapore (MOPS) trading, tinatayang magiging ganito ang galaw ng presyo ng kada litro:

  • Gasolina — mahigit-kumulang P1.10 ang itataas
  • Diesel — mahigit-kumulang P0.50 ang itataas
  • Kerosene — mahigit-kumulang P0.90 ang itataas

Ayon kay Rodela Romero, assistant director ng DOE-Oil Industry Management Bureau (OIMB), ang inaasahang pagtaas ay dulot ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Dagdag pa niya, nagpatupad ang US ng panibagong parusa sa 12 tanker na nagdadala ng Iranian crude kasabay ng malawakang military buildup sa Middle East, na nakaambag sa pag-angat ng presyo ng petroleum products sa pandaigdigang merkado.

Nilinaw ni Romero na ang final price adjustment ay malalaman lamang matapos ang Fridays’ MOPS trading at kapag naisama na ang operating costs at iba pang premium ng mga kumpanya ng langis.