-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Malacañang ang lumabas na ulat na sisibakin sa puwesto sina Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara at Department of Information Communication Technology (DICT) Secretary Henry Aguda.

Sinabi ni Palace press officer Claire Castro na ang dalawang Kalihim ay dumalo pa nitong Martes sa pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council sa Malacañang.

Giit pa ni Castro na nakikita pa ngayon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nagtatrabaho ng mabuti ang kaniyang mga gabinete.

Itinanggi naman ni Castro ang usapin na mayroon ng balasahan sa gabinete ng Pangulong Marcos.

Magugunitang noong mga nakaraang buwan ay nagkaroon ng pagbalasa sa gabinete ng Pangulo dahil sa isinangkot ang mga ito sa anomalya sa mga flood control projects.