Humarap sa Sandiganbayan si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo sa Sandiganbayan Sixth Division ngayong Martes, Marso 17 para tumestigo sa malversation charges laban sa mga opisyal ng DPWH-MIMAROPA.
Ang naturang kaso ay may kinalaman sa umano’y maanomaliyang road dike project sa Oriental Mindoro, na bahagi ng mas malawak na flood control scam case.
Si Bernardo, na nasa ilalim ng Witness Protection Program (WPP), ang testigo laban sa siyam na opisyal ng DPWH-Mimaropa na nahaharap sa malversation sa 6th Division ng anti-graft court.
Ilan sa mga umano’y sangkot na opisyal ng DPWH-MIMAROPA ay itinuro ni Bernardo.
Subalit nauna nang nag-plead ng not guilty ang mga opsiyal ng DPWH-MIMAROPA sa kasong malversation at graft sa Sandiganbayan.














