-- Advertisements --

Habang papalapit ang unang anibersaryo ng pagkakapiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), iginiit ng isang mambabatas na ginagawa lamang panakip-butas sa pulitika ang dating punong ehekutibo.

Ayon kay Puwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) party-list Rep. Harold Duterte, walang kinalaman sa paghahanap ng hustisya para sa mga biktima ng war on drugs ang sinisimulang confirmation of charges hearing sa The Hague, Netherlands.

Ipinaliwanag ng kinatawan na mahigpit ang naging kampanya ng nakaraang administrasyon dahil sa malalang krisis sa ilegal na droga noon, na iginiit niyang muling lumalala sa kasalukuyan.

Sa darating na Marso 11 ay markado ang unang taon ng dating pangulo sa detention cell ng ICC kaugnay ng kasong crimes against humanity.

Sa kabila nito, patuloy ang pag-asa ng kampo ni Duterte na makakabalik ito ng bansa para makita ang kanyang mga nagmamahal at mga sumuporta sa kanya.