Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang imbestigasyon ukol sa reklamo ng ilang atletang Pinoy lalo na ang mga miyembro ng Alas Pilipinas men’s volleyball team na kinailangan pa nilang gumastos ng sariling pera sa nagaganap na Asian Games sa Japan.
Sinabi ni Palace press officer Claire Castro na ayaw ng Pangulo na ang mga atleta ng bansa na nagrerepresenta ng bansa ay naakakaranas ng problema dahil lamang umano sa bigong suporta ng gobyerno.
Dagdag pa ni Castro na layon ng imbestigasyon ay para malaman kung ano ang tunay na naranasan ng mga manlalaro.
Nais munang malaman ng Pangulo kung ano talaga ang naging problema bago maglabas ng pahayag.
Sa nasabing imbestigasyon ay malalaman kung ano ang mga pagkukulang ng gobyerno at kung ang tunay ba ang nasabing mga alegasyon.
Magugunitang naglabas ng pahayag si Alas Pilipinas men’s volleyball team Bryan Bagunas na kulang ang pinansyal na suporta ng gobyerno na inihalimbawa nito ang paggamit pa ng sariling pera nila para makakain habang nasa Japan.















