Aliw na aliw ang madlang people sa birong binitawan ni Vice Ganda matapos niyang punuin ng political punchlines ang isang song-guessing segment niya sa noon time show.
Sa isang video compilation na in-upload sa social media platform, patok dito ang bahagi ng game na ipinalabas noong Abril 22 at 23, kung saan pinahuhulaan sa mga contestant ang original singers ng ilang OPM songs.
Ngunit sa halip na karaniwang biruan, iniugnay ni Vice ang bawat kanta sa mga kilalang personalidad sa pulitika at sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
Isa sa mga naging viral online ay ang pagbanggit niya kay Naga City Mayor at dating bise presidente Leni Robredo kaugnay ng kantang ”Kung Ako Na Lang Sana” ni Bituin Escalante. Tinukoy nito ang naging resulta ng 2022 presidential elections, kung saan natalo si Robredo, na itinuturing ng ilan bilang malaking kawalan.
Nagbiro rin siya tungkol kina Pang. Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte gamit ang kantang ”Wala Na Bang Pag-ibig” ni Jaya, na tila patama sa umano’y tensyon sa pagitan ng dating running mates.
Sa kantang ”Miss Na Miss Kita,” binanggit niya si Sen. Imee Marcos at ang kapatid nitong si Pang. Marcos, bilang biro sa dynamics ng magkapatid.
Hindi rin nakaligtas sa kanyang banat si Atty. Harry Roque, na iniugnay niya sa kantang ”Hinahanap-Hanap Kita ng Rivermaya,” na tumutukoy sa kasalukuyang isyu nito kaugnay ng mga kasong kinahaharap sa ating bansa.
Nagbigay rin ng halakhakan ang kanyang pag-uugnay ng ”Bawal Lumabas” ni Kim Chiu kay dating congressman Zaldy Co, na nahaharap sa kasong graft at kasalukuyang nakakulong sa Czech Republic.
















