-- Advertisements --

Nagharap sa unang pagkakataon si Pinay tennis star at kasalukuyang World No. 20 Alex Eala at Rusian star Diana Shnaider sa round of 16 ng WTA 500 Ningbo Open, nitong Huwebes, Oktubre 22, 2026.

Sa unang set palamang ng torneyo maganda na ang ipinakitang laban ng dalawa naging dikdikan ang kanilang palitan ng puntos, gayunman sa huling bahagi ng unang set nakuha ni Shnaider ang momentum at unang nakuha ang extended set 1 sa score na 7-5 .

Nagpatuloy ang bakbakan sa ikalawang set, na nagkaroon ng sunod-sunod na service break. Nakalamang pa si Eala, 4-3, ngunit agad ni binawi ni Shnaider ang kalamangan hanggang sa makakuha siya ng matchpoints.

Patuloy na inilaban ni Eala ang laro kahit na matchpoints na ang kanyang kalaban at nakahabol si Eala at naisalba ang pitong match points. Gayunman, tuluyang sinelyuhan ni Shnaider ang panalo sa pamamagitan ng isang service ace sa score na 6-4. 

Dahil sa pagkatalo, bigo na makausad ang Pinay star sa round of 8 ng torneyo.

Susunod na sasabak si Eala sa Toray Pan Pacific Open sa Japan, na nakatakdang idaos mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 1.