Kinilala ng Korte Suprema na constitutional ang unprogrammed appropriations upang bigyan ng flexibility sa paggastos ang gobyerno, ngunit nagtakda ito ng mahigpit na limitasyon.
Dahil dito, pinawalang-bisa ng kataas-taasang hukuman ang P449.5 billion na idinagdag sa 2024 unprogrammed appropriations pati na ang P17.992 billion na idinagdag sa 2025 Special Road Fund.
Nilinaw ng Korte na bagamat hindi unconstitutional ang lahat ng unprogrammed funds, hindi ito dapat gamitin upang malusutan ang mga constitutional restriction sa paggastos ng pondo ng bayan.
Sa ilalim ng operative fact doctrine, mananatiling valid ang mga naisakatuparan nang proyekto kung kumilos nang may good faith ang mga benepisyaryo. Iginiit din ng hukuman na ang Pangulo ang naghahanda ng national budget habang ang Kongreso naman ang naglalaan ng pondo sa loob ng mga itinakdang limitasyon.
Samantala, inihayag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting na hindi pa final and executory ang desisyon dahil may 15 araw pa ang mga partido upang maghain ng motion for reconsideration.











