-- Advertisements --

Muling sasabak sa panibagong torneo si Pinay tennis star Alex Eala.

Sa araw ng Lunes,Oktubre 26 ay nakatakda itong maglaro sa Toray Pan Pacific Open na gaganapin sa Tokyo, Japan.

Ang WTA 500 tournaments ay maituturing huling laban na ni Eala sa Asia at WTA season ngayong taon.

Sinabi nito na nasasabik na siyang makita ang mga Pinoy fans sa Tokyo, Japan.

Nanawagan din ito ng suporta sa mga Pinoy fans para sa kaniyang paglalaro.

Matapos ang laban nito sa Toray Pan Pacific Open ay sasabak din nito sa Hong Kong Tennis Open na bilang bahagi ng knaiyang pagtatapos ng WTA season.

Sa buwan naman ng Disyembre ay magsasagawa ito ng exhibition event sa Bulacan.