-- Advertisements --
Nagsagawa ng “living funeral” ang komedyanteng si Ate Gay o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay.
Nagtipon-tipon ang mga kaibigan nito sa Forest Lake Memorial Parks sa Laguna at isa-isang nagsalita.
Ayon sa komedyante nais niyang marinig ang mga mensahe ng pagmamahal ng kaniyang kaibigan habang ito ay buhay.
Hindi na aniya nito maririnig at malalaman ang kanilang mga mensahe kapag ito ay pumanaw na.
Magugunitang noong Setyembre 2025 ng ibunyag ng komediyante na na-diagnose siya ng Stage 4 cancer partikular na ang mucoepidermoid carcinoma.















