-- Advertisements --
Itinanggi ni Laguna Third District Board Member at dating aktres na si Angelica Jones Alarva ang verbal at mental abuse sa kaniyang dating staff.
Dagdag pa nito na isang uri lamang ng political harassment, bullying at character assasination ang nasabing alegasyon.
Naniniwala din ang opisyal na mayroong ilang pulitiko ang nasa likod ng nasabing paninira.
Reaksyon ito ng dating aktres matapos na magsampa ng rekamo ang dating staff niya na si Samantha Alaisa sa Office of the Ombudsman.
Ibinunyag pa ng dating aktres na si Alaisa ay tinanggal sa trabaho noong 2025 dahil sa ilang mga isyu gaya ng palagiang pagliban sa trabaho ganun ang kuwestiyonableng loyalty at ang irregularidad sa paghawak at pagproseso ng mga dokumento.














