-- Advertisements --
Itinakbo sa pagamutan ang singer na si Lionel Richie.
Nangyari ito matapos ang konsiyerto niya sa The Muny sa Forest Park sa St.Louis, Missouri.
Nakaranas ito ng bahagyang dehydration kaya nagpa-confine siya sa nasabing pagamutan.
Napansin na rin ng nanood ng kaniyang konsiyerto na tila may iniinda ito kaya sa kaniyang huling kanta na”All Night Long” ay nakaupo na lamang siya.
Magugunitang noong Hulyo ay itinakbo ang singer sa pagamutan matapos na nakaranas ng trangkaso sa kaniyang show sa St.Paul, Minnesota.










