-- Advertisements --

Naniniwala ang isang mambabatas na hindi sapat ang ‘enforcement’ ng ‘anti-drug policy’ para matuldukan ang problema sa ilegal na droga.

Ayon kay Marikina 1st Dist. Rep. Marcy Teodoro, dapat ding matutukan at pagtuunan ng pansin maging ang prevention, treatment, rehabilitation at reintegration. 

Hindi aniya kasi sapat ang pagpapatupad ng seryosong polisiya, kundi kinakailangan matugunan pati ang mga pangayari bago humantong sa adiksyon, at kasama ang pagbabalik sa pamilya matapos sumailalim sa rehabilitasyon. 

Kanya pang binigyan diin na hindi lamang dapat paglaban kontra suplay ng ilegal na droga bagkus dapat kabilang ang mga ugat at pangangailangan sa treatment at iba pa. 

Pahayag kasunod nang i-sponsor ang panukalang higit 500-milyon piso budget ng Dangerous Drugs Board para sa 2027, nakapaloob ang paglaan ng pondo sa Drug Abuse and Prevention Program.

Mahalaga aniya ang pananaliksik at evidence-based policymaking sa paggabay sa pamahalaan na matukoy kung saan higit kinakailangan ang treatment at community-based programs. 

Kaya’t matitiyak lamang umano ang bisa ng kampanya kontra droga sa oras na makarating ang serbisyo sa mga pamilya’t komunidad pati makapagbigay pagkakataon na makarekober at maitaguyod muli ang kanilang buhay.