-- Advertisements --

Ibinunyag ng Philippine Statistics Authority ang umano’y kawalan ng actual records ng mga recipient o tumanggap ng confidential at intelligence funds ni VP Sara Duterte.

Kinumpirma ni Marizza B. Grande, Assistant National Statistician ng PSA, na 1,287 pangalan mula sa 1992 listahan ng payees ng Office of the Vice President ang walang nakitang record ng kapanganakan, kasal at kamatayan sa database ng PSA.

Mula sa 1,992 list of recipients ng OVP, 1,322 dito ay walang record ng Certificate of live birth.

Kabuuang 1,456 naman ang walang Certificate of Marriage at 1,593 naman ang wala rin record ng Certificate of death.

Ipinakita rin sa impeachment trial ang resulta ng pagsusuri ng PSA sa 677 pangalan na nasa listahan ng DepEd payees.

Batay sa findings, 398 pangalan ang wala ring nakitang birth, marriage o death record.

Dito ay 405 ang walang record of live birth, 443 ang walang marriage certificate at 507 ang walang death certificate.

Sa kabilang banda, tinawag din ni Grande na “unusual” o hindi karaniwan ang ilang pangalan na uanang isinumite ng House panel para ipa-verify bilang umano’y payees ng confidential funds ng OVP at DepEd.

Binigyang-diin ni Grande na kapansin-pansin ang pagiging unique ng mga nasabing pangalan kumpara sa mga karaniwang rekord sa database ng PSA.