-- Advertisements --
May agam-agam ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa pagpapatupad ng 4-day work week sa pribadong sektor.
Sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luiz, na hindi ito dapat sapilitan sa mga employer na ipatupad.
Dagdag pa nito na bawat kumpanya ay mayroong iba’t-ibang mga uri kung saan magiging epektibo sa iba ang work from home habang hindi ito epektibo sa ibang kumpanya.
Handa umano tumugon ang ECOP sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ipatupad ang 4 Day Work Week para makatipid ng paggamit ng enerhiya.
Magugunitang ipinatupad na ng ilang mga local government units ang 4 day work week para makatipid sa paggamit ng enerhiya at gasolina.
















