-- Advertisements --

Pumanaw na ang lead singer ng bandang The Mavericks na si Raul Malo sa edad 60.

Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak matapos na dumanas ang singer ng leptomeningeal disease isang uri ng cancer na nakakaapekto ng utak at spinal cord.

Mahigit na tatlong dekada na naging miyembro ang banda kung saan sila ay nagsagawa ng konsiyerto sa ibang mga bansa.

Dahil sa mga gawa nitong kanta ay nagkamit na siya ng mga iba’t-ibang awards gaya sa Grammy, American Country Music at Country Music Awards.

Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “In My Dreams” kung saan nakagawa sila ng 13 albums.