-- Advertisements --

Nag-walkout sa kalagitnaan ng kanta ang R&B singer na si Brandy.

Naganap ang insidente sa show ni Brandy kasama ang singer na si Monica sa United Center sa Chicago.

Habang sumasayaw ang dalawa ay bigla na lamang umalis palabas ng stage si Brandy na sinasabing nainis dahil sa sound issue.

Hindi na ito bumalik ay mag-isa na lamang tinapos ni Monica ang show.

Hindi na tuloy nakanta ng dalawa ang kanilang hitsong na “The Boy Is Mine” na sumikat noong 1998.

Sa inilabas naman na pahayag ng singer na nakaranas ito ng dehydration at parang nahihilo kaya minabuting umalis na lamang.

Humingi na lamang ito ng paumanhin sa mga fans.