-- Advertisements --

Nagpasya ang Korean pop group na BTS na hindi sila magsusumite ng kanilang kanta sa 2027 Grammy Awards.

Ayon sa grupo na ito ang napagpasyahan nilang pitong miyembro.

Umaasa sila na ang musika ay naririnig at minamahal kung ano ito at hindi ito ay pinaghihiwalay-hiwalay ng rehiyon o salita.

Inaasahan kasi ng marami na magsusumite ng kanilang entries ang grupo kabilang ang Album of the year.

Maging ang bagong kanta nila na “Swim” na nanguna sa US ay inaasahan na mananalo bilang Song of the Year.

Sa kanilang social media ay pinasalamatan ng grupo ang kanilang fans dahil sa pag-iintindi.