-- Advertisements --
Pumanaw na ang gitarista at keyboardist ng bandang The Cure na si Perry Bamonte sa edad na 65.
Kinumpirma ito ng banda kung saan dinapuan ng sakit ang British musician at pumanaw sa kaniyang bahay.
Unang naging road crew ng banda si Bamonte at noong umalis ang keyboardist na si Roger O’Donnel sa taong 1990 ay ipinalit siya.
Kasama siyang naging gitarista, keyboardist at bassist sa limang studio album ng banda.
Sa loob ng 14 na taon ay nakasama si Bamonte sa mahigit 400 shows ng banda.
Umalis siya sa banda at naging bassist ng supergroup na Love Amongst Ruin.
Taong 2022 ng muling bumalik ito sa The Cure hanggang 2024.
















