-- Advertisements --

Natagpuang patay sa kaniyang bahay si Grammy-nominated musician na si John Forte sa eda na 50.

Ayon sa mga otoridad na nakatanggap sila ng tawag matapos na madiskubre ng kaniyang kaibigan na wala ng buhay ang singer sa bahay nito sa Chilmark, Massachusetts.

Walang anumang nakitang senyales ng foul play ang mga kapulisan kaya ipinasailalim na nila ito sa medical examination para malaman ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Isinilang sa New York City kung saan sa edad na 20 ay naging bahagi na ito sa kanta ng grupong Fugee na “The Score” na nominado sa Grammy.

Bilang multi-instrumentalist at rapper ay nakapaglabas ito ng solo album na “Poly Sci” at “I John”.

Taong 2000 ng maaresto ito sa Newark International Airport dahil sa pagkakaroon ng liquid cocaine at drug trafficking.

Hinatulan itong makulong ng 14 na taon subalit nabawasan ng pitong taon ng patawan ng presidential pardon ni dating Presiden George W. Bush.