-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Miguel Beermen para makapasok sa finals ng PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos na makuha nila ang 3-2 na kalamangan ng talunin nila ang Barangay Ginebra 115-109 sa laro na ginanap sa Smart Araneta.

Nanguna sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 21 points at 11 rebounds habang mayroong 20 points, tatlong rebounds at dalawang assists si CJ Perez.

Pinuri ni Beermen head coach Leo Austria ang kaniyang mga manlalaro dahil sa pagpupursige para manalo.

Umabot pa sa 17 puntos ang kalamangan ng Beermen hanggang mapababa ito ng Ginebra sa 11 points lamang.

Nasayang naman ang nagawang 20 points ni Scottie Thompson at 18 points ni RJ Abarrientos para sa Ginebra.