-- Advertisements --

Inilabas na ng Gilas Pilipinas ang final 12 na manlalaro nito para sa paghaharap nila ng New Zealand sa pagsisimula ng windows 2 FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers.

Kasama na dito si Juan Gomez de Liano na unang pagkakataon na makakasama sa national basketball team.

Hindi naman nakasama sa lineup ang teammate nito sa Converge na si Justine Baltazar ganun din sina RJ Abarrientos at Troy Rosario ng Barangay Ginebra.

Kasama sa final 12 sina June Mar Fajardo, Kevin Quiambao, Chris Newsome, Calvin Oftana, Scottie Thompson, CJay Perez, Carl Tamayo, Dwight Ramos, AJ Edu, Quentin Millora-Brown at Justin Brownlee.

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa araw ng Huwebes, Pebrero 26 na ito ay gaganapin sa Mall of Asia Arena.