-- Advertisements --
Nagbigay ng donasyon na nagkakahalaga ng P117-milyon sa ilang charity ang singer-songwriter Taylor Swift.
Kinumpirma ng non-profit organization na Feeding America na nagbigay ng $1-M na donasyon ang singer noong Disyembre 23.
Kabilang din na binigyan niya ng donasyon ang American Heart Association (AHA) bilang pagkilala sa ama nitong si Scott na sumailalim sa quintuple bypass surgery at cardiovascular disease noong Enero.
Pinasalamatan din ng MusiCares Foundation ang singer dahil sa binigay nitong donasyon para nagsisilbi ng Country Music Community na nagbibigay ng music therapy.
















