Nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal number 1 ang walong lugar sa bansa dahil sa bagyong Ada.
Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa may 460 kilometers ng Hinatuan, Surigaodel Sur.
Mayroong taglay na lakas ng hangin ng hanggang 45 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 55 kph.
Inaasahan na maaaring maglandfall ang bagyo sa araw ng Biyernes o sa Sabado sa bahagi ng Eastern Visayas.
Ang mga lugar kung saan nakataas ang signal number 1 ay kinabibilangan ng Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Eastern Samar, Samar; Northern Samar; Sorsogon; Rapu-Rapu,Manito, Legazpi City sa Albay.
Patuloy ang pagbabala ng PAGASA sa mga apektadong lugar na lubhang mapanganib ang paglalayag sa dagat ng mga mangingisda.
















