-- Advertisements --

Inilabas ni International Criminal Court (ICC) Senior Trial Lawyer Julian Nicholls ang mga co-perpetrators sa umanoy patayan sa panahon ng panunungkulan bilang alkalde ng Davao City ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa unang araw ng confirmation of charges ay ipinakita nito ang papel ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na siyang nagsilbing hepe ng Davao City Police Office noon.

Habang si Senator Christopher “Bong” Go ay naging special assistant at adviser noon ni Duterte.

Kasama rin na pinangalanan dito sina dating Davao police chief Vicente Danao, dating National Bureau of Investigation (NBI) Davao Regional Director Dante Gierran at si Atty.Vitaliano Aguirre II.

Sa Document Containing the Charges (DCC) ay isinumite ng prosecution na inilabas naman ng ICC noong nakaraang mga linggo kung saan sina Go, Dela Rosa, Danao, Gierran at Aguirre ay pinangalangan bilang co-perpetrators sa pagplano para tuluyang ma-neutralized ang mga kriminal sa pamamagitan ng pagpatay sa mga ito.

Kasama rin sa dokumento bilang co-perpetrators sina dating PNP chief Oscar Albayalde at Isidro Lapena.

Dagdag pa ni Nicholls na mayroong sistema na sinusunod noon ni Duterte kung saan nabuo ang Davao Death Squad (DDS).

Ang papel aniya ng mga co-perpetrators ay sila ang nagbababa ng kautusan mula kay Duterte para isagawa ang pagpatay na ang mga miyembro ay mga kapulisan ganun din mga hitmen na siyang nagsasagawa ng pagpatay.

Sa ikalawang araw na pagdinig ay iisahin aniya ng ICC prosecutors ang ilang mga detalye ng mga kasabwat ni Duterte sa ipinapatupad nitong war on drugs.