-- Advertisements --

Nakatakdang ipasara ang kahabaan ng Ayala Bridge patungong Malacañang Palace bilang bahagi rin ng seguridad kasabay ng pagdaraos ng prusisyon ng Poong Hesus Nazareno bukas, Enero 9.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Spokesperson PMaj. Philipp Ines, ang bahaging ito ay gagamitin bilang emergency kung sakaling kakailanganin para mayroong mga kalsada na magagamit para sa mabilis na pagresponde.

Lalagyan din ito ng mga container vans bilang barikada para maiwasan ang mga naging sitwasyon gaya ng nakaraang taon.

Magugunita kasi na ilang mga insidente ang naitala kung saan pinili ng ilang mga debotong sirain ang barikada at salubingin ang andas sa pamamagitan ng pagdaan sa Ayala Bridge.

Samantala, ang mga mahuhuli namang lalabag ay huhulihin bagaman nanindigan ang MPD na ipapatupad pa rin ang maximum tolerance sa buong prusisyon bukas.