-- Advertisements --

Nanawagan si Cebu Vice Governor Glenn Soco ng mas malapit na pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya ng Cebu.

Iginiit ni Soco na mahalagang maibalik ang “dynamism” sa sektor ng negosyo sa gitna ng mga hamon sa pambansang antas.

Aniya, bagama’t may pangamba sa pagbagal ng growth dahil sa limitadong government spending, dapat pa ring gumastos ang pamahalaan ngunit sa mga tamang proyekto.

Aminado ang bise gobernador na higit na maaapektuhan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs), turismo at service sector sa gitna ng economic slowdown.

Dagdag pa niya, may mga isyung kinakaharap ang pamahalaan, kabilang ang mga kontrobersiyal na flood control at katiwalian, na nakaapekto sa kumpiyansa ng publiko at sa economic projections, kung saan tinatayang nasa 2.2 porsiyento ang growth.

Gayunman, nananatili siyang positibo at hinikayat ang mga LGU na tiyaking maisalin sa epektibong programa ang mga pondong inilalabas ng pambansang pamahalaan na mapakinabangan ng mamamayan.