-- Advertisements --

Nakiisa sa Traslacion ng Jesus Nazareno nitong Biyernes ang libu-libong deboto, karamihan ay nakayapak, at ginamit ang okasyon upang ipakita ang galit sa umano’y korapsiyon ng ilang mambabatas.

Matapos ang midnight mass sa Quirino Grandstand, inilagay ang estatwa sa andas at sinimulan ang prusisyon sa makikipot na kalsada sa Manila, na binantayan ng mahigit 15,000 pulis. Mahigit 250 deboto ang nagtamo ng sugat, at isang litratista ang namatay habang dinadala sa ospital.

Kasabay ng prusisyon, marami ang umaakyat sa andas sa paniniwalang makapagbibigay ito ng kagalingan at magandang kapalaran. Maraming deboto rin ang nagsigaw: “Jail them now, jail them now,” bilang protesta sa umano’y anomalya sa flood control projects na kinasasangkutan ng ilang mambabatas at opisyal ng gobyerno. (report by Bombo Jai)