-- Advertisements --

Naglabas ng abiso ang oil industry sources ngayong Sabado na muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa darating na Martes, Pebrero 24, 2026.

Ayon sa paunang estimates, magpapatupad ng dagdag-presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Gasoline: P0.40 – P0.60 kada litro ang inaasahang increase.
Diesel: P1.00 – P1.20 kada litro ang inaasahang increase.
Kerosene: P1.00 – P1.20 kada litro ang inaasahang increase.

Ang panibagong pagtaas ay bahagi ng sunod-sunod na oil price adjustments na nakabatay sa galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa mga analysts, ang pagtaas ng presyo ng langis ay dulot ng mas mataas na demand at patuloy na geopolitical tensions sa ilang bahagi ng mundo.

Inaasahang tataas muli ang gastusin ng mga motorista at transport groups, habang ang mga household na gumagamit ng kerosene ay direktang maaapektuhan din.

Dahil dito, muling nanawagan ang ilang sektor para sa mas matibay na fuel subsidy programs upang maibsan ang epekto sa mga ordinaryong mamamayan.