-- Advertisements --

Sinabi ng mga opisyal ng Quiapo Church na ang pagiging agresibo ng ilang deboto ang dahilan ng mabagal na usad ng Traslacion, lalo na pagdaan nito sa masisikip na bahagi ng ruta sa Quiapo.

Ayon sa simbahan, parami nang parami ang debotong nagpupumilit makalapit sa harap ng andas, na nagdudulot ng paulit-ulit na paghinto at delay.

Dagdag pa ng simbahan, lalo pang nagsisikip ang bahagi ng Arlegui tuwing gabi habang nagsisiuwian ang mga manggagawa, na nagiging bottleneck sa prusisyon.

Babala niya, kung hindi bubilis ang galaw, maaaring lumampas ang Traslacion sa karaniwang oras nito.

Patuloy ang pakiusap ng simbahan at safety marshals sa mga deboto na sumunod sa mga patakaran at iwasan ang mapanganib na pag-akyat sa andas, sa gitna ng pagtitiyak sa kaligtasan ng milyun-milyong lumalahok sa taunang ritwal.(report by Bombo Jai)