-- Advertisements --

Pumanaw na ang reggae legend na si Jimmy Cliff sa edad na 81.

Kinumpirma ito ng kaniyang asawang si Latifa Chambers matapos umano mag-seizure dahil sa pneumonia.

Pinasalamatan ng asawa nito ang mga fans na sumuporta sa music career ni Cliff.

Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “You Can Get It If You Really Want”, “The Harder They Come” at “Wonderful World, Beautiful People”.

Taong 2010 ng ma-induct siya sa Rock and Roll Hall of Fame na siyang natatanging Jamaican bukod kay Bob Marley.

Bumida rin ito sa pelikulang “The Harder They Come” noong 1972.

Si James Chambers sa tunay na buhay ay isinilang noong 1948 sa St. James Parish, western Jamaica.

Pangalawa sa walong magkakapatid kung saan lumaki siya sa hirap, kumakanta sa simbahan at pinangalanang Jimmy Cliff sa stage.

Lumipat ito sa Kingston noong 1961 at sa edad na 14 ay pumatok ang kanta niyang “Hurricane Hattie”.

Nanguna naman si Jamaican Prime Minister Andrew Holness na nagpaabot ng pakikiramay kay Cliff.