-- Advertisements --

Nananatili pa rin sa intensive care unit sa Thailand si Miss Jamaica Gabrielle Henry, matapos mahulog mula sa entablado ng Miss Universe 2025 preliminaries noong Nobyembre 19, 2025.

Nahulog kasi siya habang naglalakad sa runway suot ang orange na gown at high heels sa evening gown competition.

Agad siyang isinugod sa ospital, partikular na sa ICU para sa masusing gamutan.

Ayon sa kanyang kapatid na si Dr. Phylicia Henry-Samuels, hindi pa rin maganda ang kondisyon ng kanyang paggaling.

Inatasan ng mga doktor na manatili siya sa ICU nang hindi bababa sa pitong araw para sa tuloy-tuloy na obserbasyon.

Kasama niya sa Thailand ang kanyang kapatid at ina na nagbibigay ng suporta.

Nanawagan ang Miss Universe Jamaica Organization ng panalangin at pag-unawa para kay Gabrielle.

Maraming pageant fans ang nagpahayag ng suporta at pag-aalala sa kanyang kalagayan, na nagdulot ng matinding pagkabigla sa Miss Universe community.