-- Advertisements --
Sugatan ang siyam na katao matapos ang naganap na pagsabog sa isang oil refinery sa Bangkok, Thailand.
Ang tatlong mga biktima ay nasa kritikal na kondisyon at ang mga ito ay dinala sa mga pagamutan.
Nagdulot din ng malaking sunog ang Phra Khanong facility na pinapatakbo ng energy giant na Bangkok Corporation sa Silangang bahagi ng Thailand.
Mabilis naman na naapula ang sunog sa lugar ng mahigit 30 minuto.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung ano ang naging sanhi ng nasabing sunog.
Personal na binisita ni Thailand’s energy minister Akanat Promphan ang nasabing lugar para tignan ang tindi ng pinsala ng nasabing pagsabog.














