-- Advertisements --

Pasok na sa FIFA World Cup ang Curaçao matapos ang naganap na 0-0 draw laban sa Jamaica.

Sila ang itinuturing na pinakamaliit na nasyon na ma-qualify para sa World Cup.

Makakasama nila sa CONCACAF ang Panama at Haiti na unang nakapasok sa World Cup.

Nagtapos ang Curaco sa Group B na mayroong 12 points.

Ito ang unang pagkakataon kung saan nakapasok ang Curacao sa World Cup.

Mayroong populasyon ang nasabing bansa na 156,115 kung saan noong 2018 World Cup sa Russia ay ang Iceland ang siyang pinakamaliit na bansa na nakapag-qualify na mayroon lamang mahigit 350,000 na populasyon.