Kinumpirma ni retired boxing champion Manny Pacquiao na makakaharap niya sa isang exhibiton fight si dating junior welterweight world champion Ruslan Provodnikov.
Gaganapin ang laban nito sa Russian boxer sa darating na Abril 18 sa Las Vegas.
Ito na ang pangalawang laban niya mula ng muling bumalik sa boksing matapos ang kaniyang retirement.
Huling lumaban kasi ang 47-anyos na si Pacquiao noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan nagtapos sa majority draw ang laban nito kay WBC welterweight champion Mario Barrios.
Sinabi ni Pacquiao na tuwing lumalaban siya ay dala niya ang watawat ng bansa kung malaking inspirasyon niya ang mga suporta ng Pinoy mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Ang eight-division world champion ay mayroong record na 62 panalo, walong talo at tatlong draws sa nagdaang 73 laban nito.
Habang ang 42-anyos nasi Provodnikov ay mayroong record na 25 panalo, limang talo na may 18 knockouts.
















