-- Advertisements --
Walang naging magandang resulta ang pagpupulong ng mga kinatawan ng Russia at Ukraine sa Switzerland.
Ang nasabing pulong na inorganisa ng US ay siyang pangatlo na ngayon taon na ang una ay ginanap noong Enero sa Abu Dhabi.
Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na hindi naging madali ang negosasyon.
Isinagawa ng Ukrainian President ang pahayag matapos makausap ang kaniyang negotiating team na dumalo.
Una ng inakusahan nito ang Russia na hindi sumasang-ayon sa mga napag-uusapan sa negosasyon.
May ilang pagbabago rin ang napag-usapan sa pulong gaya ng pagpapasakamay ng Russia sa Ukraine ang mga sinakop nilang mga lupain.
Naniniwala ito na sa mga susunod na mga araw ay magkakaroon muli ng pag-uusap sa pagitan nila ng Russia.










