Hinimok makiisa ang mga tagasuporta ni former President Rodrigo Duterte sa inilunsad na ‘signature campaign’ upang hilingin maiuwi itong muli pabalik ng Pilipinas.
Sa panayam kay Wendell Martin Cabrera, Co-Convenor ng DDS Sara-All Confederation, kanyang inanyayahan ang mga indibidwal sumusuporta kay Duterte na makilahok sa kanilang inisyatibo makalikom ng mga lagda para sa dating pangulo.
Umaasa kasi aniya sila na sa pamamagitan ng ganitong kampanya, sa mapayapang pamamamaraan ay umaasang muling makakabalik ng bansa si former Pres. Duterte.
Kasalukuyan kasing nakadetene ang dating pangulo sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong kinakaharap patungkol sa implementasyon ng ‘war on drugs’.
Nahaharap siya sa partikular na kasong ‘crimes against humanity’ sa International Criminal Court.
Ibinahagi naman niya na ang naturang aktibidad o signature campaign ng mga grupo ay sinimulan mula noong nakaraan taon 2025 pa.
Nakalikom na aniya sila ng libu-libong mga pirma hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa mga Pilipinong manggagawa abroad o mga Overseas Filipino Workers na tagasuporta ni dating Pangulong Duterte.
Paliwanag ni Cabrera na ang paglikom nila ng pirma ay layon at bilang apela sa Kataas-taasang Hukuman na resolbahin nito ang mga nakabinbin petisyon may kinalaman sa kaso ni former Pres. Duterte.
Nais na aniyang maibalik na ito sa bansa sapagkat nalulungkott at napapaiyak pa umano siya sa tuwing naaalala ang kalagayan ni Duterte sa piitan.
















