-- Advertisements --

Binati ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang mga Pilipinong Muslim at ang global Muslim community sa pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan, kung saan hinikayat nito ang lahat na pairalin ang disiplina, sakripisyo at pagkakaisa.

Ayon sa lider ng Kamara ang Ramadan ay panahon ng pag-aayuno, taimtim na pagdarasal at pagninilay na nagpapalalim ng pananampalataya at malasakit sa kapwa.

Nanawagan din si Speaker Dy sa mga Pilipino na patatagin ang kapayapaan at pagkakaisa sa kani-kanilang komunidad sa diwa ng Ramadan. 

Ipinahayag din nito ang pakikiisa ng Kamara sa mga Muslim community at hinikayat ang mga lider na maglingkod nang may kababaang-loob, integridad at malasakit sa kabutihang panlahat.

“ May this season renew your faith, strengthen your families, and inspire all of us to lead and serve with humility, integrity, and an unwavering commitment to the common good. Ramadan Mubarak,” pahayag ni Speaker Dy.