-- Advertisements --

Binigyang-diin ni House committee on justice chairperson Gerville Luistro na ang Impeachment ay people’s constitutional mechanism upang masiguro ang pananagutan ng mga mataas na opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa kanya, ang impeachment process ay hindi tungkol sa personalidad kundi sa paghahanap ng katotohanan.

Layunin lamang ng pagdinig na matukoy kung may probable cause laban kay Vice President Sara Duterte, at hindi pa ito pinal na paghusga.

Inaasahan ang presentasyon ng ebidensya mula sa Commission on Audit, National Bureau of Investigation, at Philippine Statistics Authority, pati na rin ang testimonya ni Ramil Madriaga.

Giit ni Luistro, dapat magpatuloy ang proseso sa kabila ng mga petisyon sa Supreme Court of the Philippines, sapagkat ang paghahanap ng katotohanan ay dapat manaig, gabay ang Konstitusyon at tiwala ng taumbayan.