Tinitignan ngayon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na masyadong naging kampante sa kaniyang pagtatago si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co na siyang naging dahilan ng pagkakaresto nito sa Prague.
Ayon sa kalihim, paikot-ikot sa Europa ang dating kongresista bago makarating at maharang sa Prague at dahil kanselado ang kaniyang pasaporte ay agad na inaresto si Co bilang isang ‘undocumented alien’.
Dagdag pa ni Remulla, ang pagiging kampante ni Co ay dahil sa ang buhay aniya ng kongresista sa Portugal ay isa lamang malaking bakasyon.
Samantala, patuloy naman na gumgawa ng hakbang ang pamahalaan at nakikipagugnayan sa mga foreign counterparts upang matiyak na mapapabalik agad ng bansa ang mambabatas.
















