-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Abril 20, ang naging pagbaba sa mga naitatalang paglabag sa mga umiiral na ordinansa sa ilalim ng Safer Cities Initiative ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Batay sa datos, mula sa higit 11,000 naitala noong Abril 6, pumalo na lamang sa higit 6,500 ang mga nagiging violators nitong Abril 19.

Ayon kay PNP Spokesperson and Public Information Office (PIO) Chief PBGen. Randulf Tuano, ang mga naging pagbabago sa datos na naitatala ng mga otoridad ay dahil sa ms maging aware at talagang naging mataas din aniya ang compliance ng mga mamamayan sa mga umiiral na lokal na mga ordinansa.

Samantala, batay sa mga naitalang paglabag, pinakamaraming naitala sa Northern Police District (NPD) na siyang sinundan ng Southern Police District (SPD) na mayroong halos tig- 1,600 na mga naitatalang kaso kung saan kasunod naman nito ang Quezon Police District (QCPD) na mayroon namang halos 1,4000 na mga violators.

Sa ngayon, patuloy ang gingawang monitoring ng pulisya sa compliance ng publiko at hinikayat din ang mga mamamayan na sundin ang mga ordinansa para na rin sa mas ligtas at payapang mga komunidad.