-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) kung sakali mang isailalim sa kanilang kustodiya si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co pagdating nito sa Pilipinas.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakikipagugnayan na sila sa mga katuwang na ahensya partikular sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga kinakailangang legal at diplomatic na mga proseso kaugnay nang kaniyang napipintong pagbabalik bansa.

Kasunod nito ay tiniyak naman ng Pambansang Pulisya na ang lahat ng kanilang isasagawang mga proseso ay sisiguruhing sumusunod sa mga umiiral na batas at due process.

Magugunita naman na sinabi na rin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na idederetso ng PNP si Co para isailim sa booking at documentation procedures gaya ng physical examination at pagkuha ng mugshots bago siya iharap sa Sandiganbayan para naman sa kaniyang return of warrant of arrest sa korte.