Inaasahan ngayon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na ang naging pagkakaaresto kay dating Ako Bicol Representative Zaldy Co ay siyang magsisiswalat pa ng mga misteryo sa mga anomalya sa flood control controversy.
Ayon kay Remulla, ang pagkakahuli sa datng kongresista ay bahagi pa lamang ng mas malawak pang imbestigasyon sa mga iregularidad sa mga proyekto sa ilalim ng flood control shceme.
Aniya, dito na maguumpisang mabuo ang mga piraso ng katotohanan hinggil sa naturang usapin at tuluyan nang maisiwalat ang mga malalaking taong nasa likod ng anomalya.
Samantala, nagbabala naman ang kalihim sa iba pang mga indibidwal na may kinalaman sa mga anomalyang ito na hindi aniya sila kayang protektahan ng kani-kanilang salapi lalo na kung talagang pursigido silang hanapin at arestuhin ng mga otoridad ng Pilipinas.
















