Kinumpirma ng Iloilo International Airport na isang eroplano ng Philippine Airlines flight PR 2544 (RP-C8619) mula Dumaguete patungong Manila ang nagpatupad ng emergency landing dakong alas-4:30 ng hapon nitong Linggo, Abril 19, 2026.
Ayon sa ulat ng pamunuan ng paliparan, nagkulang ang oxygen supply sa cabin matapos maabot ng eroplano ang cruising altitude na 32,000 feet.
Sa opisyal na pahayag, sinabi ng airport management: “A Philippine Airlines flight PR 2544 (RP-C8619) from Dumaguete to Manila made an emergency landing at Iloilo International Airport at 4:30 PM this afternoon. Reports indicate that the oxygen supply in the cabin was insufficient after the aircraft reached its cruising altitude of 32,000 ft.”
Matapos ang insidente, ligtas na nakalapag ang aircraft, ngunit may ilang pasahero ang agad na binigyan ng medical assistance pagdating sa paliparan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng problema upang matiyak ang kaligtasan ng mga susunod na biyahe at maiwasan ang kaparehong pangyayari.
















