-- Advertisements --

Patuloy na kinokonsidera ng administrasyong Marcos ang pagsuspinde ng excise tax sa diesel at gasolina, ayon sa Department of Finance (DOF), kahit tinanggal na ang buwis sa LPG at kerosene.

Ayon kay Department Of Finance (DOF) Undersecretary Karlo Adriano, mas makikinabang umano ang mayayamang Pilipino kung aalisin ang buwis sa diesel at gasolina. 

Hindi ito sinang-ayunan ng ilang mambabatas, kabilang si Marikina Rep. Miro Quimbo, na nagsabing mas ramdam ng mahihirap ang taas-presyo ng langis.

Hinihintay pa ang executive order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pormal na implementasyon ng tax suspension sa LPG at kerosene.

“ We are ready with the implementing rules and regulations, once the EO is out, we can release the IRRs within the day,” wka ni Adriano.

Samantala, buwanang sinusuri ng DBCC at UPLIFT Committee ang sitwasyon bago magdesisyon. 

Iginiit ng ilang kongresista na dapat mas madalas ang pagsusuri at agad ang aksyon dahil mas direktang mararamdaman ng publiko ang suspensyon ng buwis.

Sa kasalukuyan, P6 kada litro ang excise tax sa diesel at P10 naman sa gasolina.