-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima na ang impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte ay isang “accountability test” na nakabatay sa mga dokumento, audit findings, at sunod-sunod na transaksyon, hindi sa haka-haka o pulitika.

Ayon kay De Lima, nakatuon ang pagdinig sa posibleng maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education. 

Sinabi ni De Lima, hindi ito iisang insidente kundi magkakaugnay na transaksyon na may malalaking halaga at may mga pangalang hindi mapatunayan.

Binanggit ni De Lima na sa loob lamang ng Disyembre 2022, daan-daang confidential activities ang pinondohan, kabilang ang pamamahagi ng mahigit P15 milyon sa higit 100 indibidwal sa isang araw.

Dagdag pa ni De Lima, ang mga alegasyon ay hindi simpleng kakulangan sa dokumento kundi usapin ng tiwala ng publiko sa paggamit ng mahigit P600 milyon na pondo.

Nilinaw naman niya na layunin ng Kamara na siyasatin ang mga ebidensya at tukuyin kung may sapat na basehan ang reklamo, at hindi pa magbigay ng hatol.

Impeachment hearing kay VP Sara, pagsusulit sa pananagutan batay sa dokumento at Audit – De Lima 