Nagkasundo ang US, United Kingdom at Australia na gumawa ng underwater drone technology.
Layon nito ay para maprotektahan ang mga undersea cables at mapalakas ang kanilang depensa sa kanilang mga military alliance na kilala bilang Aukus.
Sinabi ni UK Defence Secretary John Healey na ang uncrewed undersea vehicle (UUV) technology ay inaasahan magiging handa na sa susunod na taon.
Hindi naman na binanggit kung magkano ang halaga nito at sinabi na lamang na magbibigay lamang ng kontribusyon ang UK ng nasa $201 milyon.
Isinagawa ang anunsiyo sa isinagawang defense ministers security summit na ginanap sa Singapore. Ang Aukus defence pact na nagsimula noong 2021 ay nagtiyak na ang tatlong bansa ay gagawa ng nuclear submarines at magpapamahagi sila ng mga military expertise.
















