-- Advertisements --

Handang tanggapin ni dating Senator Antonio Trillanes IV sakaling imbitahan siya ni Senator Rodante Marcoleta para dumalo sa pagdinig ukol sa tangkang pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa noong Mayo 11.

Giit ng dating Senador na hindi ito natatakot sakaling ipatawag siya ni Marcoleta.

Nanindigan pa ito na kaya siya nandoon sa Senado at may hawak na kopya ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court dahil sa hinamon ito ni Sen. Bato na arestuhin siya.

Mayroon din aniyang impormasyon si Trillanes sa kinaroroonan ni Bato subalit kailangan pa itong i-validate.

Magugunitang pinaghahanap ng mga otoridad si Sen. Bato matapos na mailabas na ang warrant of arrest nito mula sa ICC dahil sa crime against humanity noon pang panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.