-- Advertisements --
Nanawagan si Pope Leo XIV ng pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine.
Ang nasabing panawagan ay kasabay ng ika-apat na taong anibersaryo mula ng ilunsad ng Russia ang atake sa Ukraine.
Ayon pa sa Santo Papa ang kapayapaan ay hindi maaring makansela pa at dapat na ipatupad.
Muli itong nanawagan sa dapat ay matigil na ang patayan ganun din ang pambobomba.
Mahalaga aniya na magkaroon ng pag-uusap sa magkabilang panig.
Magugunitang patuloy ang pagsusulong ng US ng usaping pangkapayapaan kung saan makailang beses na ito ng nagpatawag ng pakikipag-usap.
















