-- Advertisements --
Pumanaw na ang bokalista ng Pinoy reggae band na Junior Kilat na si Errol “Budoy” Marabiles sa edad na 54.
Kinumpirma ito ng Sigbinhaus, na isang live music venue sa Santander, Cebu kung saan kasamang nagtaguyod si Marabiles.
Nitong Disyembre 4 ng umaga ng namayapa ang singer dahil sa atake sa puso.
Isinilang noong Oktubre 27, 1971 sa Catbalogan, Samar.
Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “M16”, “Kawatan” , “Buwad Suka Sili” at maraming iba pa.
Nagtatanghal siya sa National Commission on Culture and the Arts at Visayas Biennale kung saan tumugtog na rin ito sa mga bansang China, Dubai, Vietnam at Hong Kong.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa iba’t-ibang musikero at banda na nakasama ng singer.
















